Monday Short Stories & Poetey with @steemph

https://img.esteem.ws/82h74xvbbf.jpg

# Alam n’yo ba?!

…na ang salitang **tokhang** ay nagmula sa pinagsamang dalawang salitang bisaya na *toktok* (katok) at *hangyo* (pakiusap). At ito ay ginamit sa malawakang kilusan laban sa droga ng mga kapulisan sa pangunguna ni Pangulong Rodrigo Duterte.

At alam n’yo rin ba na ang salitang **tokhang** ay napili bilang Salita ng Taong 2018 mula sa labing-isang mga kalahok na salita na nominado ng kumperensiyang Sawikaan ng Filipinas Institute of Translation, Komisyon ng Wikang Filipino, at Unibersidad ng Pilipinas.

Ang ilan sa mga pinagpiliang mga salita ay ang mga sumusunod :
Dengvaxia, DDS (Davao Death Squad), Dilawan, Fake news, Federalismo, Foodie, Quo warranto, Resibo, TRAIN, Troll

Ilan lamang ito sa mga ulat tungkol sa mga wikang Filipino na madalas nating naririnig sa araw-araw. Malay natin, makaisip ka ng iba pang salita na maaaring ilahok sa susunod na pagpipilian. Maaaring maging nominado sa Salita ng Taon ang mga salitang imbento, salitang hiram mula sa katutubo o banyagang wika, mga lumang salita ngunit may bago at kakaibang kahulugan, o kaya naman ay lumang salita na muling binuhay at pinapasikat sa ngayon.

https://steemitimages.com/DQmbi84GnNa2dWnkaX2DLbNdEzkJiv5tnFBrNKVhzQrf74R/20.png

[“Word Poetry Challenge #19 : Ulan”](https://steemit.com/wordchallenge/@ryancalaunan/word-poetry-challenge-19-ulan)

https://cdn.steemitimages.com/DQmQ1BTyKFr9zHgeid6CDYsC7EUM8AfEEHY3pzkpnJ9tB9T/download%20.jpeg

>Hindi ko malilimutan ang mga masasayang araw nating lumisan
Kasabay ng pagbuhos ng ulan ang mga ala- alang nakaraan
Munting isipan namulat sa aliw sa may putikan
Kaya sa tulang ito’y ating balikan ang araw na tayo’y nagkasama sa ulan.

—-

[Wordchallenge No.19|”ULAN”|Tagalog Edition](https://steemit.com/wordchallenge/@amayphin/wordchallenge-no-19-or-ulan-or-tagalog-edition)

https://cdn.steemitimages.com/DQmR229a6mMyuLU4A18TeHrihDAZ8JhDQCTikgQ4jV9MDFC/textgram_1540715411.png

>Pagmamasdan lang sana ang ulan
Habang tumatagaktak sa bubungan.
Nahulog mula sa balisbisan
Salo ng kamay, sinusubukang hawakan.

—-

[“Word Poetry Challenge #19 :ULAN”](https://steemit.com/worldchallenge/@bigtrader24/word-poetry-challenge-19-ulan)

https://cdn.steemitimages.com/DQmVt7z36Z3TYETAr5GmqoVjKir5E8JVwMyhGy6NNXPoXeG/20181028_110246.png

>Ito nanaman ang kidlat at kulog marahil maya maya lang susunod na ang ULAN.
Ito ang araw na masaya ang lahat ng magsasaka.
Ngunit ang iba namay talagang nagagalit sila.
Ang ulan ay isang biyayang galing sa langit.

https://steemitimages.com/DQmbi84GnNa2dWnkaX2DLbNdEzkJiv5tnFBrNKVhzQrf74R/20.png

*Disclaimer : Hindi po ako tauhan ni ginoong @jassennessaj o kaya naman ay tagatampok ng kanyang wordchallenge. Sadyang iilan lamang ang napagpilian ko para sa curation nitong nakaraang linggo at tiyempo na puro lahok sa wordchallenge ang aking na-curate. 😊*

### Para mapabilang sa curation, narito ang ilan sa mga alituntunin na kailangang sundin :

* Orihinal na akda lamang ang maaring isulat. Marunong ako mag-search kung kinopya mo lamang ang iyong gawa.
* Mangyaring gamitin lamang po ang tag na Steemph kahit hindi ito ang unang tag.
* Para sa maikling kwento, kailangang lumampas sa 300 na mga salita. Para sa tula, ang lampas tatlong saknong sa apatang linya (3stanzas of 4lines) ang mabibilang. Para sa sanaysay, tatlong talata naman pataas.
* Orihinal na larawan ang dapat gamitin. Kung hindi naman, idetalye nang malinaw ang pinagkuhanan ng larawan.
* Ang mga posts hanggang sa ikatlong araw lamang ang aking pwedeng i-feature. (Posts must be recent up to 3days old)

### Antabayanan ang iba pang pagtatampok :

DAY | TOPIC | WRITER/CURATOR
—– | —– | —–
Sunday | Travel | @rye05
Monday | Short Stories & Poetry | @johnpd
Tuesday | Community Competitions | @romeskie
Wednesday | Finance | @webcoop
Thursday | Community Outreach | @escuetapamela
Friday | Food | @iyanpol12
Saturday | TBA | TBA

https://cdn.steemitimages.com/DQmZfsyn14zFPkh8ax8nhQ6Nun6EgTqgx9o9hCReDM1fYWb/johnpd.png

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *